Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Niyanig ng 4.3 magnitude na lindol ang Davao Oriental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Sa tala nito, sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol bandang 1:16 ng hapon nitong Linggo.

Natukoy ang epicenter sa 111 kilometro (km) sa timog-silangang bahagi ng Manay, Davao Oriental.

Probinsya

Babaeng, mag-eenroll ng dalawang anak, patay matapos pumailalim sa bus

Tectonic ang lindol at may lalim na 30 km.

Samantala, dalawang mahihinang lindol naman ang yumanig sa Davao Occidental kahapon, ayon pa rin sa Phivolcs.

Sa pinakabago nitong tala, sinabi ng Phivolcs na nai-record ang 2.7 magnitude na lindol dakong 1:58 ng umaga, at ang epicenter ay natukoy sa 33 km ng timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 126 km.

Una rito, naitala rin ang 2.4 magnitude na lindol, dakong 12:07 ng umaga ng kaparehong araw, at ang epicenter nito ay natukoy 64 km ng timog-silangan ng Don Marcelino, ayon sa Phivolcs.