Umabot sa 90,000 deboto ang dumagsa sa prusisyon ng replica ng Poong Nazareno sa lungsod ng Maynila kahapon ng tanghali, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas, ito ay base sa natanggap na ulat ng pulisya mula kay SPO1 Ramos, duty radio operator sa Quiapo Church Command Center.

Nabatid na tinatayang 90,000 deboto ang sumali sa prusisyon ng replica ng Poong Nazareno, bandang 3:00 ng hapon.

Ayon pa sa NCRPO, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga deboto pagsapit ng hapon. - Bella Gamotea

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20