Hindi maaaring gamitin ang lupang sakahan sa ibang layunin, tulad halimbawa ng gawin itong subdivision o tayuan ng mga gusali o negosyo.

Inaprubahan ng House Committee on Agrarian Reform sa pamumuno ni Rep. Rene Relampagos (1st District, Bohol) ang panukalang batas na nagbabawal sa “conversion of irrigated and irrigable lands for non-agricultural purposes.”

Nilalayon ng panukala na tugunan ang peligro sa pagkukulang ng pagkain sa pamamagitan ng pag-aamyenda sa Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988 (CARP) o Republic Act 6657, na isinabatas upang maisulong ang katarungang panlipunan, pagbuti ng kalagayan sa kanayunan, industriyalisasyon at mahikayat ang mga may-ari ng lupa na linangin o sakahin ang economic-size farms bilang sandalan ng agrikultura sa bansa.

Batay sa panukalang susog sa RA 6657, ipinagbabawal ang pagbabago o conversion ng lupang sahakan para gawing subdibisyon, komersiyal at iba pang layunin. - Bert de Guzman

'Gusto ko proud sila:' Achievements sa buhay, iniaalay ni John Arcilla sa mga magulang