Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Inihayag kahapon ng Butuan City Water District (BCWD) na magkakaroon ng walong oras na night flushing activity sa ilang bahagi ng siyudad sa Agusan del Norte ngayong Linggo at bukas.

Sa abisong inilabas ng Butuan City Public Information Office (PIO), inihayag ng BCWD na ang night flushing activity ay isasagawa ganap na 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Sa water interruption ngayong Linggo, maaapektuhan ang Emenvil Guerra Subdivision at Acostaville Subdivision, habang ang mga lugar namang apektado bukas, Enero 8, ay ang Purok 6 Bliss, Purok 6-C Paradise, Bliss-Paradise, Casa Peral Street, Purok 1 at 6 Libertad, Purok 6-E Gumamela Street Balanghay, Purok 5, 6-A at 6-E Balanghay, at Buod Creek Balanghay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa abiso nito, pinayuhan ang publiko na huwag buksan ang kanilang mga gripo, dahil madumi o maitim ang tubig na lalabas mula rito.