Ni Lito Mañago

ILANG araw na lang ang nalalabi bago tuluyang isara ang pahina ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula noong Christmas Day at magtatapos sa Linggo, January 7.

DIREK JULIUS copy

In fairness, mainit na tinangkilik ng moviegoing public ang walong official entries ng MMFF 2017, although, at the moment, wala pang official box-office results dahil sa kasunduan ng mga producer, MMFF officials at theater owners.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

One thing is sure, may bagong nilalang na iniluwal ng MMFF, hinangaan at kinilala ang husay bilang direktor.

Dalawang dekada na sa industriya ng pelikula si Julius Alfonso bilang assistant director ng mga bigatin, hinahangaan at award-winning filmmakers na sina Joel Lamangan at Chito Roño.

It took him twenty years or more to finally realize his dream. Si Julius ang direktor ng much-talked about MMFF entry na Deadma Walking, topbilled by competent actors Edgar Allan Guzman (or EA to his friends) at Joross Gamboa, mula sa panulat ni Eric Cabahug at sa produksiyon ng T-Rex Entertainment at OctoArts.

Sa interview namin kay Direk Julius whom we considered as this year’s breakthrough director, naging emotional siya habang binabalikan niya ang nakaraan.

“Napaka-surreal kasi nu’ng experience -- pardon the tears -- na alam n’yo namang lahat na dalawang dekada na nga ako rito at maraming nangarap para sa akin pero never akong nainip dahil alam kong darating din talaga ‘yung time: the most perfect time, the most perfect project, the most perfect team, the most perfect actors and the most perfect opportunity,” aniya.

Nu’ng gabi ng parangal ng MMFF, inulan ng congratulatory remarks si Direk Julius for a job well done at ‘yung ibang kakilala at kaibigan niya ay pinaghanda pa raw siya ng speech.

“Nu’ng awards night nga, maraming nagsabing mag-prepare ako. Iniisip ko na lang, mag-reminisce na lang ako for the opportunity -- manalo man o matalo- at least, andu’n, ‘di ba?” salaysay ng newbie filmmaker.

“Although, maraming nangarap din and sabi ko, I have gone this far, the project has gone this far, na umabot na nga, mula sa pagbuo ng script, nakahanap ng producer at nasama sa selection, na-CEB (nabigyan ng A- rating ang movie), at umabot kami sa ganitong pagkakataon,” kuwento pa ni Direk Julius na hindi na napigilang tumulo ang kanyang mga luha.

Challenge sa kanya ang paggawa ng pelikula pero ipinagpapasalamat niyang maraming tumulong at naniwala sa kakayahan niya.

“Along the way, I met a lot of people, friends from the press na walang sawang nagpu-push din ng morale, hindi lang sa akin kundi sa buong proyekto,” pakli niya.

“I have been grateful na andito pa rin tayo ngayon, magkakasama at sumusuporta sa proyektong ito. Na lagi kong sinasabi na born out of love, done out of love, with love at based sa reactions, the movie is full of love. Thank you, thank you,” pagtatapos ng baguhang direktor.