Ni JIMI ESCALA

MASAYANG-MASAYA si Jessy Mendiola sa pagpasok ng Bagong Taon hindi lang dahil bongga ang relasyon nila ni Luis Manzano kundi pati na rin ang takbo ng kanyang showbiz career.

JESSY copy

Ilang buwan ding walang ginagawang proyekto si Jessy sa ABS-CBN pero ngayong taon ay tiniyak niya na magiging busy na siya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Meron akong new found hope and it looks 2018 will be really, really exciting,”sabi ng dalaga.

Kasama sa mga gagawin ni Jessy ngayong taon ang isang teleserye at isng pelikula sa Star Cinema.

“’Yung TV series, I think they are making one na. Sa movies naman, eh, meron akong isa pero hindi pa natuloy noon dahil sa holidays, hopefully, maumpisahan na ‘yun,” kuwentyo niya.

Matandaan na muntik nang lisanin ni Jessy ang showbiz dahil raw sa hindi magandang takbo ng career niya at idagdag pa ang kaliwa’t kanang intriga.

Kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya kay Direk Johnny Manahan, head ng Star Magic, na pinigilan siya at siyempre sinunod din niya ang advice ng boyfriend.

Dahil sa dalawang taong parehong mahalaga sa kanya, nagbago ang desisyon ni Jessy.

Walang problema kay Jessy kung sakaling sa pagbabalik-TV show niya ay makasama niya ang dating kasintahang si JM de Guzman na nagbabalik na rin sa limelight.

“Well, okey lang. Lahat naman, eh, may pag-asang magbago. Really, masaya ako para sa kanya. And for me, as long as he is okay ,he is happy, he has fully recovered, and he is readyt to work, eh, good luck sa kanya. Siyempre, I am very happy for him,” banggit ni Jessy.

Wala rin daw namang problema kay Jessy kung pagsamahin silang dalawa ni Luis Manzano.

“Ang tanong lang diyan, kung papayag si Luis,” natawang banggit ng aktres.

Samantala, ayaw magsalita ni Jessy tungkol sa bulung-bulungan na maaaring sa taong ito sila magpakasal ni Luis.

“Well, siya na lang ang tanungin ninyo,” sey niya.