Ni BRIAN YALUNG

MAY bagong responsibilidad si Derrick Pumaren bilang General Manager ng Centro Escolar University (CEU) Scorpions.

Kinumpirma ng CEU Management Committee (Mancom) sa Manila Bulletin Sports Online ang pagkakatalaga kay Pumaren bilang bahagi ng pinalalakas na sports program ng eskwelahan.

Matatandaang nagbitiw bilang head coach ng University of the East Warriors si Pumaren sa pagtatapos ng 2017 UAAP basketball season.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa kanyang pagtitimon, umusad sa Final Four ang Warriors sa Season 77, ngunit naungusan ng National University, 51-49. Nakopo ng Bulldogs ang titulo sa naturang taon.

Mula noon, hindi na nakabalik ang Warriors at hirap si Pumaren na pantayan ang natureang marka. Sa pagtatapos ng kanyang trabaho sa UE, naitala ng Warriors ang 21-35 record.

Sa kanyang bagong gawain, makakatuwang niya si CEU assistant general manager Jun Tiongco para maisulong ang kampanya ng CEU Scorpions sa collegiate league.