ENCHONG AT PAMILYA copy

Ni Reggee Bonoan

GUSTUNG-GUSTO namin ang character ni Enchong Dee bilang Mickey sa Siargao na nagpanalo ng Best Director kay Paul Soriano sa MMFF 2017 Gabi ng Parangal.

Kahit special participation lang ay nagmarka siya sa manonood bilang boyfriend ni Erich Gonzales.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nagkahiwalay ang characters nina Erich at Enchong at nagpunta ng Siargao ang dalaga para makalimot at doon naman niya nakilala si Jericho Rosales bilang si Jig, musikero sa Manila na sumubok na mapaibig ang dalaga pero tinanggihan siya at pinayuhang balikan ang babaeng muntik nang maging “one that got away,” si Jasmin Curtis Smith.

Bumalik na ng Manila si Erich at nagkabalikan sila ni Enchong dahil love pa rin nila ang isa’t isa kahit hindi maganda ang paghihiwalay nila.

Nakakakilig sina Erich at Enchong, bakit kaya hindi na lang “sila”, tutal pareho naman silang single.

Di ba, Bossing DMB, pareho nating gusto ang dalawa kaya I’m sure boto ka rin na maging sila na lang. Kahit pa sabihing best friends sila at walang talu-talo, puwede namang maging ‘friends in love’, di ba?

Hmmm, sana dumating si Enchong sa block screening ng Siargao ngayong hapon sa The 30th Ayala Malls.

Going back to Enchong, sa Seoul, Korea niya dinala ang kanyang buong pamilya nitong nakaraang Christmas vacation.

Ang caption ng aktor sa IG post niya kasama ang litrato ng pamilya, “From our family to yours, Happy Holidays. We fell asleep after Noche Buena, so we didn’t have a family photo so my trips’ mission is complete. Thank you Seoul #EnchongAwesomeTravel.”