Ni Liezle Basa Iñigo

MALASIQUI, Pangasinan – Siyam na katao ang inaresto ng mga operatiba ng Pangasinan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa jueteng.

Sa tinanggap na report kahapon, masigasig ngayon ang kampanyang “Oplan Bolilyo” laban sa illegal numbers game, at siyam na katao ang naaresto kamakailan sa Barangay Gomez sa Malasiqui, Pangasinan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Melvin Mendoza, Wilson Garcia, Marve Villanueva, Raymark Sava, Dexter Aguila, Cecilio Frias, Ali Guillermo, Ramon Armas, at Renier Padilla.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

Nakumpiska umano ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang iba’t ibang jueteng paraphernalia at P2,765 na nakolektang taya.