Ni NITZ MIRALLES

Neil at Angel
Neil at Angel
MAY pag-amin si Angel Locsin sa kanyang Instagram post na ikinatuwa ng shippers ng real love team nila ni Neil Arce.

“Falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce. Excited to share my 2018 with you,” post ni Angel.

Post naman ni Neil: “My 2017... 2018... 2019... and sabi nga niya pag galingan ko... my forever... Don’t worry gagalingan ko!!! I love you.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang daming natuwa sa inamin ni Angel at sa comment din ni Neil, at least, sila na mismo ang nagkumpirma ng kanilang relasyon.

Anyway, sa Korea nagbakasyon si Angel at ang kanyang pamilya at habang naroon, may positive post siya na nagustuhan ng kanyang fans/followers.

“2018! Makuha ka sa tingin (may singit na emoji) salamat 2017 hinayaan mo akong makabangon sa mga pagsubok ni 2016. Mas pinalakas mo ako at hinayaang mas makilala pa ang sarili. Pinakita mo rin sa akin ang mga taong dapat pangalagaan at dapat iwasan. Ngayon ikaw naman 2018, gagawin natin itong mas magandang taon sa ayaw at sa gusto mo, okay? Lahat ng mga naiwan ni 2016 at 2017, dito natin aayusin ang lahat. #NewYearHugot.”