MAKAKAHARAP ni Aleksandra Krunic ang mananalo sa pagitan nina  seventh-seeded Anastasija Sevastova at Sorana Cirstea. (AP)
MAKAKAHARAP ni Aleksandra Krunic ang mananalo sa pagitan nina seventh-seeded Anastasija Sevastova at Sorana Cirstea. (AP)

BRISBANE, Australia (AP) — Matapos matumba dulot nang pagtatangkang mahabol ang bola, sumuko si top-seeded Garbine Muguruza sa kanyang laro sa third set sa opening match ng Brisbane International.

Nakadama ng pamumulikat sa paa ang Wimbledon champion habang naka-break nitong Martes, at sa pagbabalik-aksiyon ay hindi na nagawang makalaban kay Aleksandra Krunic dahilan para iretiro niya ang laro sa iskor na 2-5 sa third set.

Umabot sa dalawangoras ang laro at hindi na kinaya ni Muguruza, naging No. 1 sa world ranking sa loob ng apat na buwan, ang labis na init at sakit ng paa para isuko ang laro at matalo kay Krunic a 5-7, 7-6 (3), 1-2.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Umusad si Krunic sa quarterfinal laban sa magwawagu sa laro nina seventh-seeded Anastasija Sevastova at Sorana Cirstea.

Ang Brisbane International ay isa sa tuneup events bago ang Australian Open sa Melbourne – unang major tournament sa season na magsisimula sa Jan. 15.

“It’s definitely not a nice feeling, first of all for me as an athlete, to see my colleague walking out of the court not being able to finish the match,” pahayag ni Krunic. “I want to wish Garbine a fast recovery and I hope she gets better for the Slam.”

Bunsod nito, tanging si defending champion Karolina Pliskova, naging No. 1 nitong July, ang highest-ranked woman player sa tournament.