Angel Locsin
Angel Locsin
SA Seoul, Korea dinala ni Angel Locsin ang buong pamilya para salubungin ang 2018 at dahil winter doon ay balot na balot silang lahat para malabanan ang sobrang lamig.

Nanghinayang si Angel na hindi niya maisasakay sa cable car si Daddy Angelito batay sa post niya sa Instagram (IG) na may picture ng Mt. Seorak National Park na matatagpuan sa Gangwon Province, Easter South Korea.

“Beautiful, sayang masyadong windy kaya hindi kayang mag-cable car papuntang peak... gusto ko pa naman dalhin si Daddy sa taas para kunwari hiker rin siya hehe. Pero enjoy pa rin naman ang experience!?? #Korea #Travel.”

Halos lahat ng tourist spot sa Seoul ay napuntahan ng pamilya ni Angel at base sa mga litrato ay ang saya ng magkakapatid na Colmenares.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ipinost din ni Angel sa IG ang isa sa importanteng bagay na nangyari sa kanya sa 2017 kasama ng litrato nila ng boyfriend niyang si Neil Arce na kuha sa New Zealand nang ikasal sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Aniya, “Falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce excited to share my 2018 with you.”

Samantala, back to work na ulit si Angel pag-uwi ng Pilipinas para sa promo ng magbabalik na Pilipinas Got Talent (Season 6) na eere na sa Sabado (Enero 6). Makakasama uli niya sina Vice Ganda, Robin Padilla at Mr. Freddie M. Garcia.

Tuluy-tuloy pa rin si Angel sa La Luna Sangre dahil kailangan pagtulungan nila ni Malia (Kathryn Bernardo) ang pagpatay kay Supremo/Sandrino (Richard Gutierrez) bago tuluyang maging kaaway si Tristan (Daniel Padilla) dahil kakagatin siya ng Hari ng Bampira. --Reggee Bonoan