Nangako ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang patuloy at mas maraming tulong para sa pagbangon ng Marawi City na kinubkob ng mga teroristang alyado sa Islamic State noong Mayo.

Binanggit ni TESDA Director-General Guiling Mamondiong ang ilang mga programa at hakbangin ng ahensiya upang tulungan ang kapitolyo ng Lanao del Sur.

“There’s still so much work to be done for Marawi and TESDA is fully committed and determined to help rebuild the battle-scarred city to its former glory,” ani Mamondiong.

Sa kanyang 2017 annual accomplishment report, inihayag ni Mamondiong na gumugol ang TESDA ng P49,691,536 para sa training ng 6,801 internally-displaced people sa Marawi.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Ipinangako pa ng kalihim na itutuloy ang tungkulin ng TESDA na tulungan ang gobyerno na maibangon muli ang Marawi.

“TESDA is going full blast in discussing the rebuilding of Marawi. We are not only rebuilding public structures and homes. We are also helping them rebuild their lives,” dugtong nito.

Inisa-isa ng TESDA chief ang mga programa para sa Marawi ngayong 2018 kabilang ang pagtatayo ng 39 Skills Training Courts (STCs) na nagkakahalaga ng P97 milyong piso; 10,000 IPDs ang isasailalim sa pagsasanay sa construction trades na may alokasyong pondo na P188,453,804.63 million; bibigyan ng libreng assessment ang 1,622 Skilled IDPs sa ilalim ng Competency Assessment and Certification of Workers” (CACW) program na may pondong P903.000.00; pagkakalooban naman ng tool kits na nagkakahalaga ng P7,033,801 para sa 1,344 skilled IDPs; magsasanay naman ang 1625 IDPs sa TESDA ARMM sa ilalim ng Massive Skills Training Program ng Marawi na nagkakahalaga ng P25,884,000 ngayong 2018 at 2,646 IPDs maging ang nasa vulnerable sectors ay sasailalim din sa training sa pamamagitan ng Nationwide Nationwide Emergency Training para sa STEP at PESFA na umaabot sa halagang P17,756,120. - Bella Gamotea