Janine at Rayver
Janine at Rayver
SUMUNOD si Rayver Cruz kay Janine Gutierrez na nagbakasyon sa Hong Kong after Christmas kasama ang amang si Ramon Christopher at mga kapatid.

Kinilig ang fans ng dalawa sa thought na hindi pumayag si Rayver na hindi makita ng ilang araw si Janine, kaya sinundan niya ito sa HK.

Kaya sa mga sumunod na IG story ni Janine, kasama na sa mga litrato nila ng kanyang pamilya at mga kaibigan si Rayver. May photo na hindi nakangiti si Monching, pero may litrato silang tatlo nina Janine at Rayver na naka-smile siya.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

May mga naniniwalang may relasyon na sina Rayver at Janine dahil hindi raw susunod sa HK ang aktor kung nanliligaw pa lang siya sa Kapuso actress. Saka, sa sobrang closeness daw ng dalawa na kita tuwing magkasama sa mga litrato, mahirap paniwalaang nasa courting stage pa lang sila.

Wagas daw kasi makaakbay kay Janine si Rayver at hinahayaan ni Janine, ibig sabihin, may consent nito ang pag-akbay sa kanya ni Rayver.

Anyway, kahit magkaiba ang network nina Rayver at Janine, patuloy ang sweetness nila. Nanatili sa GMA-7 si Janine at kasama sa cast ng primetime series na Sherlock Jr., bilang isa sa mga leading lady ni Ruru Madrid. --Nitz Miralles