Anong ugali ang dapat nang iwaksi ng mga Pilipino sa Taong 2018?

Sinabi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ito ay ang pagtuturuan o paninisi sa iba.

“I think Filipinos should stop putting the blame on others or fingerpointing. We are fond of this,” sabi ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, sa isang panayam.

Binanggit ng CBCP official na naging ugali na ng ibang tao na palaging sisihin ang gobyerno sa kanilang mga paghihirap.

Tsika at Intriga

Sarah Balabagan 'kinontra' si Arnold Clavio tungkol sa prayer rally; may inungkat

“Filipinos always blame our government,” ani Secillano.

Iginiit niya na isa ito sa mga bagay na dapat isama ng mga Pilipino sa kanilang New Year’s resolution.

“Let us all be productive citizens of this country. That is what we lack, we always rely on others,” payo niya. “We should do what is right and necessary.” - Leslie Ann G. Aquino