Ni ROMMEL P. TABBAD

Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng bansa at maaaring maging bagyo ito ngayong araw.

Ayon kay weather specialist Aldczar Aurelio ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sama ng panahon 910 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sinabi ni Aurelio na malaki ang posibilidad na aahon sa lupa ang sama ng panahon sa Eastern Visayas at Eastern Mindanao ngayong gabi o sa Martes ng umaga.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Kapag naging bagyo ang LPA ay papangalanan itong “Agaton.”