ILOILO CITY — Handang lipulin ng Philippine Army ang New People’s Army (NPA) sa Panay and Negros sa papasok na taon.

“We have our marching orders to expedite the defeat of communist terrorists by the end of 2018,” sabi ng Brigadier General Dinoh Dolina, commander ng 3rd Infantry Division (3ID)

Dolina, ang humalili kay Major General Jon Aying noong Disyembre 29.

Iginiit ng Dolina na idineklara ng pamahalaan ang NPA na isang terrorist organization matapos itigil ang peace talks sa mga komunista.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

“Their spiteful assertion that they speak for the people is so deceitful and their whimsical delusion in committing violence for the last 50 years does not make their voices privileged,” dagdag ni Dolina.

Pinaigting ng NPA sa Negros at Iloilo ang pag-atake sa mga puwersa ng pamahalaan.

Anim na pulis ang nasawi sa Guihulngan City, Negros Oriental, noong Hulyo at isa pa sa Maasin, Iloilo nitong Nobyembre sa pagsalakay ng NPA.

Noon Hulyo ay nilusob ng mga rebelde ang police station ng Maasin at nilimas ang mga armas doon.

Sinamantala ng NPA ang pag-deploy ng tatlong batalyon ng 3ID sa Marawi City upang labanan ang Maute group para sumalakay.

Bago siya nagretiro, inihayag ni Aying na magtatatag ng bagong batalyon ang Army sa Panay upang labanan ang NPA. - Tara Yap