Ni REMY UMEREZ

Zoren Legaspi
Zoren Legaspi
SA apat na anak ng batikang aktor na si Lito Legaspi, si Zoren ang pinakaaktibo at pinakamatagumpay.

Ipinamamalaki ng isa sa mga pangunahing bida ng teleseryeng Ika-6 Na Utos ang pagiging buo at matatag ng kanyang pamilya. Bihira sa showbiz ang isang relasyong tumatagal ng 17 years and still going strong.

“Pinapanatili naming laging bukas ang communication lines at kung mayroon mang isyu between my wife Carmina o kaya’y sa mga bata ay agad naming nilulutas. We keep the fires of love always burning,” wika ni Zoren.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ikinagagalak ni Zoren na mapasama siya sa cast ng Ika 6 Na Utos. Ginagampanan niya ang karakter ni Lyon, ang bagong lalaki sa buhay ni Sunshine Dizon. Kaabang-abang kung ano ang mangyayari sa kanyang karakter sakaling magkabalikan sina Sunshine at Gabby Concepcion.

Happy rin si Zoren na binigyan siya ng oportunidad na maidirehe ni Laurice Guillen na noon pa man ay hinahangaan na niya.

Sa pagpasok ng 20l8 ay planom ni Zoren na magtayo ng sariling produksiyon at makapagdirek ng action movie.

Wala rin siyang tutol kung pasukin ng kanyang kambal ang daigdig ng showbiz.

“Sila ang talagang dapat magdesisyon at ang role namin ay gabayan sila. Lagi naming sinasabi na showbiz is not all glamour, it is hardwork,” wika ni Zoren.

Freelancer pareho ang mag-asawang Zoren at Carmina at malayang makalabas sa ibang TV network.