SASABAK sina National rifle shooters Amparo Teresa Acuña at Jayson Valdez sa World Cups bilang paghahanda sa kanilang pagsalang sa Asian Games sa Jakarta.

Nasa pangangasiwa sina Acuña at Valdez ng International Olympic Committee (IOC) Solidarity Program na ibinibigay para sa naghahangad na makalahok sa 2020 Tokyo Olympics.

Kapwa pasok sa PH delegation sa 18th Asian Games ang dalawa matapos ang pagwawagi sa SEA Games nitong Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Gaganapin ang World Cup sa Changwon, South Korea sa April 20-30, habang ang ikalawang stage ng World Cup ay sa Fort Benning, USA sa May 7-15.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

“These tournaments are really hard to win. But my scores and my teammate’s scores during practice meet could surpass the world standard, so all we need to work on is how to bring it to these competitions,” pahayag ni Acuña.

Si Acuña ay sophomore sa kursong International Studies sa Miriam College sa Quezon City. Tangan niya ang Philippine records sa 10-meter Air Rifle, 50-meter Prone, at 50-meter 3 Positions.- PNA