Posibleng sa kulungan magdiwang ng Bagong Taon ang isang lalaki na inaresto dahil sa kaso ng ilegal na droga sa Las Piñas City, iniulat kahapon ng Southern Police District.

Kinilala ang suspek na si Marlon Cabansag, nasa hustong gulang, ng Las Piñas City at naghihimas ng rehas sa Las Piñas City Police.

Sa ulat na ipinarating sa SPD, inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Las Piñas City Police, sa pangunguna ni Chief Insp. Marlo Solero, si Cabansag sa pinagtataguang lugar sa lungsod.

Nabatid na ilang buwang isinailalim sa surveillance si Cabansag bago natunton ang kanyang hideout at tuluyang inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte dahil sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. - Bella Gamotea
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20