Tanging ang Supreme Court ang makakapigil sa pagpapatupad sa ikalawang pagpapalawig sa martial law at suspension ng writ of habeas corpus sa Mindanao simula bukas hanggang sa buong 2018.

Kumpiyansa naman si Rep. Edcel Lagman (LP, Albay) ng oposisyon na makikita ng Mataas na Korte ang punto ng kanilang petisyon na humihiling na harangin ang isang taong extension dahil ito ay labag sa Konstitusyon.

Nanawagan si Lagman sa SC dahil sa katotohanang ang martial law at ang suspension of the writ of habeas corpus ay aabot na sa kabuuang 526 araw o 876.67 mahigit kaysa initial period na 60 araw lamang, alinsunsod sa Proclamation No. 216 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo.

Inaprubahan ng Kongreso, sa joint session, ang kahilingan ni Duterte para sa isang taong pagpapalawig na binatikos ni Lagman at ng pito pang miyembro ng “Magnificent Seven” minority group bilang unconstitutional.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

“Five hundred twenty-six (526) days total extension is an enormous increase of 876.67% over the original period of 60 days. This is inordinately long. It is a deplorable defiance of the constitutional limitation of the duration of martial law and its extension,” ani Lagman.

Ipinunto niya na nililimitahan ng 1987 Constitution ang effective period ng martial law at suspension of the writ of habeas corpus bilang isa sa mga istriktong safeguard para maiwasan ang mga pang-aabuso bunga ng batas militar.

Ikinatwiran ni Lagman na para maging balido ang pagpapalawig dapat na ito ay nakabatay sa limitadong batayan ng aktuwal na rebelyon o pananakop at kailangan para sa kaligtasan ng publiko at para sa katanggap-tanggap na haba ng panahon lamang. - Ben R. Rosario