Ang Larawan
Ang Larawan

ni Reggee Bonoan

ANG laki talaga ng naitutulong ng Metro Manila Film Festival Awards Night dahil dito bumabase ang publiko kung anong pelikula ang dapat panoorin lalo na kung may humakot ng awards tulad ng Ang Larawan, Siargao at All of You na bigla nang umabante na sa box office race.

Base sa pagtatanung-tanong namin sa ilang sinehan na madalas naming puntahan tulad ng Gateway Cinemaplex, Robinson’s Cinemas at Eastwood Cinemas, lumakas daw ang mga nabanggit after ng MMFF awards night.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nakita rin naming nag-sold out ang 7PM screening ng Siargao sa Gateway nitong Huwebes, Disyembre 29 gayundin ang Meant to Beh.

Sabi ng takilyerang nakausap namin, “Ang Larawan po, dati mahina, ngayon sobrang lakas na, nag-sold out na nga rin. Pati Siargao. ‘Yung All of You dati namang malakas na ‘yun.”

Masaya kami para sa lahat ng pelikulang kumikita na ngayon dahil maski paano ay nakakangiti na ang mga producer na talagang nabutas ang mga bulsa para mag-produce ng pelikula. --Reggee Bonoan