Ni NITZ MIRALLES

ITO ang thank you message ni Edgar Allan Guzman sa pagkakapanalo niya bilang best supporting actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival para sa pelikula nila ni Joross Gamboa na Deadma Walking:

Edgar Allan copy copy

“THANK YOU LORD!!! The best ka! Hiniling ko lang sa ‘yo, binigay mo agad.. Wow!! Ang sarap ng feeling!!! Na-miss ko to!! MARAMING SALAMAT sa lahat ng bumubuo ng MMFF @mmffofficial, para sa parangal na to..dati parada lang, ok na ko..ngayon nagkaroon ako dahilan para gumawa pa ng maganda at makabuluhang pelikula! To my T-REX ENTERTAINMENT family, THANK YOU sa tiwawa! @trex_entertainment lalo na kay Sir Rex Tiri, salamat sa tiwala at pagkakaibigan!!! Kay Direk Julius Alfonso, I love you Direk! Salamat dahil hinayaan mo lang akong maging isang MARK CARAMAT sa pelikula.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Sa pangalawang tatay ko, @iamnoelferrer salamat!!! Eton a yun!! Game na!! Kay Bro JOROSS GAMBOA, para satin to bro!!! Idol kita!! At sa pamilya ko, para sa inyo to!! @sarrieguzman @vinceguzman @mcguzman21 @bjamesguzman love you all!!! GOD is good!”

Kabilang sa mga bumati kay Edgar si Coco Martin na ang sabi , “Paps Congrats!!! Nakakatuwa pangarap lang natin dati ito no!!! Hehehe... yahooo!!! Lagi lang ako nandito para sayo ha isang txt mo lang!!!”

Sumagot si Edgar kay Coco ng “salamat paps!!! Oo nga, eh, lahat pangarap lang natin hehehe maraming salamat paps!!!

Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago, iba ka! Same here paps, isang text lang ako.CONGRATS DIN SA MOVIE mo paps!!!”

In-announce ng producer ng Deadma Walking na Trex Entertainment ang additional cinemas na showing ang nasabing pelikula. Napapanood na rin ito sa Bichara Legaspi, Fora Tagaytay, Robinsons Jaro Iloilo, Naga, Starmall Edsa, Starmall San Jose, Vista Bataan at Vista Sta. Rosa.