Ni NORA CALDERON

TINUPAD ni Alden Richards ang pangako niyang magbibigay siya ng Christmas party for the entertainment press pagbalik niya mula sa bakasyon ng kanyang buong pamilya sa Japan. Nine days silang nag-stay roon, from December 19 at bumalik ng December 27. Noon na rin nag-invite ang GMA Artist Center para sa Christmas lunch with Alden ng Thursday, December 28, sa kanyang sariling restaurant na Concha’s Garden Cafe sa Scout Madrinan, Diliman, Quezon City.

Alden copy copy

Isa-isang nilapitan at hinarap ni Alden ang guests niya, lahat ay pinagbigyang magpakuha ng picture na kasama siya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

At siya pa ang nagtanong kung gusto na raw simulan ang pa-raffle lalo’t marami-rami siyang cash prizes. 

Happy ang lahat na humingi ng konting updates kay Alden tungkol sa biyahe niya sa Japan at ang projects niya sa 2018.

“Masaya po at dream-come true para sa akin na nakasama ko nang magbakasyon ang buo kong pamilya, lalo na po natupad ko iyong promise ko kina Lolo (Danny) at Lola (Linda) na magbabakasyon kaming magkakasama. Pumasyal kami sa Onsen, at ilang araw kami sa Tokyo,” kuwento ni Alden.

“At dito po sa Concha’s this year open na kami for franchise. Palalakihin pa namin ito ng mga kasama ko rito. As for my endorsements, patuloy pa rin ang apgdating nito at may mga endorsements na akong nag-renew ng contract. Kaya po labis-labis ang pasasalamat ko sa patuloy na blessings na dumarating sa akin.

“For 2018 po, may gagawin akong teleserye, ito talaga ang dream ko iyong makabalik muli sa acting, sa ngayon po lamang, inaayos pa ito kaya wala pa akong maibibigay na details. Then mayroon po akong concert sa Sydney, Australia sa January 20, then may GMA Kapuso Pinoy TV show ako sa New Jersey at Toronto, Canada.” 

May nagtanong ng tungkol sa kanila ni Maine Mendoza at kung tuloy pa ang movie nila. Nagkausap na raw sila ni Maine at hintayin na lamang ang pagbalik nito mula sa bakasyon sa Amerika with her family. Pero live na sila sa Eat Bulaga sa January 1 at magsi-celebrate siya ng 26th birthday niya sa noontime show sa January 2.

“At sa Sunday po, December4 31, iyon po ang reason kung bakit umuwi na kami, dahil sa GMA New Year Countdown Special dubbed as GMA New Year Countdown 2018: Buong Puso Para sa Kapuso. Sa SM Mall of Aisa (MOA Seaside Boulevard pa rin po ito gagawin. This is my 7th year hosting the event kaya hindi ko ito p’wedeng hindi gawin taun-taon na sinimulan ko na pagpasok ko pa lamang sa GMA.”

Makakasama ni Alden ang iba pang Kapuso stars na magbibigay ng festive cheers sa pagsalubong sa 2018 with world-class brilliant fireworks display. 

Pang-10th year na rin itong partnership ng GMA with SM Mall of Asia. At para safe ang pagdiriwang nakipag-partner din ang GMA sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Pasay City Police. Ang live telecast ay magsisimula ng 10:00 PM to 12:30 AM na mapapanood sa GMA 7.

Mula sa amin, maraming-maraming salamat, Alden sa pagsi-share mo ng iyong blessings, hindi ka nakalilimot sa mga taong patuloy na tumutulong sa iyo.