Ni Bella Gamotea

Muntik nang magbuwis ng buhay ang isang barangay tanod matapos kumprontahin at saksakin ng kanyang bayaw sa isang barangay outpost sa Parañaque City, nitong Miyerkules ng gabi.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital si Jose Bautista, 53, tanod ng Barangay Vitales, nakatira sa No. 9400 Urma Drive, Banana Compound ng lungsod.

Kasalukuyan namang nakakulong sa Parañaque City Police ang suspek na si Elvies Nibres y Rosales, 45, kalugar ng biktima.

National

Kahit anti sa kaniya: Jimmy Bondoc sa vloggers: 'I stand with you!'

Sa ulat ni Senior Supt. Victor Rosete, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente sa barangay outpost sa Banana Compound, Vilates, dakong 9:30 ng gabi.

Sa pahayag ng misis ng biktima na si Marilyn, naglilinis ng outpost ang kanyang mister nang dumating ang lasing na suspek at kinumpronta ang biktima.

Sa gitna ng kumprontasyon, naglagbas ng patalim si Nibres at sinaksak ang biktima.

Agad namang rumesponde ang mga tanod at pulis sa lugar na naging sanhi ng pagkakaaresto ng salarin.

Sa pagsisiyasat, may matagal nang alitan ang biktima at ang suspek dahil sa malimit na paglalasing ni Nibres. Madalas umanong pagsabihan ni Bautista ang suspek na posibleng ikinagalit nito.