Ni Czarina Nicole O. Ong

Napatunayan ng Sandiganbayan Third Division na nagkasala si Narra, Palawan Mayor Lucena Diaz Demaala sa 14 na bilang ng graft nang pahintulutan nitong makipagtransaksiyon ang lokal na pamahalaan sa kumpanyang pag-aari ng anak nitong babae.

Hinatulan siya sa paglabag sa Section 3(h) ng R.A. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa paulit-ulit na pakikipagtransaksiyon, sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P93,521, sa ADB Trading and Services—ang kumpanya ng anak niyang si Arlene Diaz Barquilla-Cabando.

Nagbayad ang bayan ng Narra sa ADB Trading para sa supplies, materials, at Risograph printing noong 2000.

Probinsya

Nanay na dinedma ng asawa, sinakal ang 4-anyos na anak; patay!

Sa 32-pahinang desisyon ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, na suportado nina Associate Justices Bernelito Fernandez at Sarah Jane Fernandez, hinatulan ng korte si Demaala ng 85 taon at dalawang buwang pagkakabilanggo, at maximum na 140 taong pagkakapiit.

Ayon sa korte, malinaw na natukoy ng prosekusyon ang lahat ng elementro ng Section 3(h) ng R.A. 3019 sa kaso ng alkalde dahil mayor ng Narra si Demaala nang isagawa ang 14 na transaksiyon sa ADB Trading.