Ni Robert R. Requintina

Kung ikaw ay single at naghahanap ng makakarelasyon, panahon na para magsuot ng matingkad na yellow underwear ngayong bisperas ng Bagong Taon para magkakaroon ng exciting na love life.

Ito ang isiniwalat ng kilalang feng shui expert na si Master Hanz Cua sa eksklusibong panayam sa kanyang tauang

forecast para sa Year of Earth Dog na opisyal na magsisimula sa Pebrero 16, 2018, base sa Chinese calendar.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“On New Year’s Eve, all the members of the family should wear red. As much as possible, it should be new, including the under wear,” sabi ni Cua. “A bright yellow underwear will bring in a girlfriend or a boyfriend. But if you’re married, any color will do as long as it’s new.”

Ang Year of the Earth Dog simbolo ng loyalty, trustworthy, at man’s best friend. “It’s more on understanding, more on giving, supporting.”

“This is not the time to be aggressive. This is the time to-wait-and-see,” ani Cua.

Naramdaman ni Cua na magiging mahirap ang usaping pinansiyal sa susunod na taon.

“The lucky element is metal. The lucky colors are gold, silver, white and gray. But we don’t have the Metal Element in 2018 which means we don’t have any wealth element. Money will be difficult or tough in the coming year.”

Sinabi ni Cua na pangingibabawan ng Wood Element ang 2018. “This means there will be new developments, experiments, scientific research and robotics. There could be possible cure for diseases like HIV, cancer.”

“I also see other countries sending their research team to the moon or other planets,” dagdag ni Cua, sinabing ang 2018 ay taon para sa “overthinking” na nangangahulugan na magkakaroon ng stress, pressure o suicide cases.

Ipinahayag din niya ang lindol sa hilagang bahagi ng mundo.

Sa 2018, ang mga susuwertehing negosyo ay ang mga may kinalaman sa Metal Element gaya ng konstruksiyon, teknolohiya na may kinalaman sa mga sasakyan, shipping, real estate, property, courier service, at transportasyon.

Ang animal signs na suwerte sa 2018 ay ang kabayo, rabbit, at tigre.

Sinabi rin ni Cua na magandang pagkakataon na magpakasal sa 2018.