Ni Nitz Miralles

MAY bagong teaser na inilabas ang GMA ONE Online Exclusives para sa pilot ng show nina Atom Araullo, Gabbi Garcia at Joseph Morong. 

Atom copy

Sa show ni Atom na Adulting with Atom Araullo, tila ang paglipat niya sa sariling pad ang mapapanood sa first episode.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Cute ang eksena na inaayos ni Atom ang sala set sa apartment o condo niya at pati ang kama ay ipinakita habang nakahiga siya.

Sayang at hindi ipinakita ang pagsa-shopping ni Atom para sana nakita ang hirap niyang mamili ng walis tambo at sabong panlaba.

Naikuwento kasi ni Atom sa presscon ng ONE Online Exclusives na nahirapan siyang mamili ng mga nabanggit at tiyak na nahirapan din siyang mamili ng iba pang mga gamit sa kanyang tirahan.

“I’m very close to my family and I’ve been living with my folks forever. Ngayon lang ako aalis ng bahay to live on my own. I have to move transfer because of work and because of traffic.

Big challenge sa akin ito because I have to start from scratch. Nakakahiya ngayon lang ako umalis ng bahay and I have to figure out how to live without my parents,” wika ni Atom.

Every Monday, 5 p.m. sa www.youtube.com/gmanetwork mapapanood ang GMA ONE Online Exclusives.

Kasamang mapapanood sa Adulting ni Atom ang #Goals with Gabbi Garcia ni Gabbi at Fact or Fake with Joseph Morong ni Joseph.