Ni NITZ MIRALLES

GINANAP kahapon ang post-Christmas at pre-New Year treat ni Alden Richards sa press people pero advance itong deadline namin pero alam namin na siguradong may magtatanong tungkol sa inamin ni Kris Aquino na crush siya nito. 

Alden copy

Sa local celebrities, si Alden ang nabanggit ni Kris na crush niya sa Merienda with Kris web series na inilabas sa kanyang official YouTube account

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ka-level ni Alden ang foreign actors na sina Wentworth Miller ng Prison Break, Paul Walker at Keannu Reeves na forever crushes ni Kris.

“Kung bata lang ako talaga, si Alden. I love Alden. I’m really a fan. Talagang tuwang-tuwa ako sa kanya, you know.

Galing na galing ako sa kanya at ang bangu-bango niya tingnan, di ba?” sabi ni Kris na may kasama pang palakpak.

Kuwento pa ni Kris, apat na beses niyang pinanood ang Martial Law special na Alaala na pinagbidahan ni Alden at dalawang beses naman niyang pinanood ang TV movie nina Alden at Maine Mendoza na Love Is...

Nakakatuwa si Kris sa pagkukuwento tungkol kay Alden na nakilala niya bago pa man sumikat nang husto sa AlDub.

Nakikita raw niya ang malaking billboard nito ng pinagbidahang teleserye sa GMA-7 dahil sa may GMA siya nag-u-u-turn papunta ng ABS-CBN.

Kaya nang magkita sila at magpakilala si Alden nang gawin ang Little Bossing, “I know you” ang sagot niya.

Anyway, tiyak ding matatanong si Alden ng mga reporter tungkol sa Christmas vacation nila ng kanyang pamilya sa Japan at ng mga plano niya sa 2018. Nasa drawing board na ng GMA-7 ang gagawin niyang teleserye sa second quarter ng 2018 at may writer nang naka-assign na susulat ng script at maglalatag ng story.