Ni Leonel M. Abasola
Hiniling ni Senator Nancy Binay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itigil muna ang pagpapakalat ng bagong P5 barya dahil nagdudulot umano ito ng kalituha sa publiko.
Ayon kay Binay, inilabas ng BSP ang bagong P5 barya ngayong Disyembre ngunit nagdulot lamang ito ng pagkalito.
“It is best to keep an eye on those new five-peso coins. Lalo na doon sa mga nanunukli ng barya sa tricycle, jeep, tindahan at mga maliliit na negosyo.
Sobrang nakakalito ang bagong limang piso na halos magkasinghawig at laki lang ito ng piso,” ani Binay.
Si Gat Andres Bonifacio ang nasa bagong P5 na gawa sa pilak, habang si General Emilio Aguinaldo ang nasa lumang P5 barya na gawa naman sa ginto.
Aniya, napagkakamalang P1 ang bagong P5 dahil sa kulay at hindi nalalayong sukat ng dalawang barya.