Ni Gabriel Agcaoili

Binugbog ng isang lasing na motorista ang isang pulis na rumesponde sa isang banggaan sa Quezon City nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang pulis na si PO1 Isidro Mosquera, 32, operatiba ng District Intelligence Division ng Quezon City Police District (QCPD), na siya ring umaresto sa suspek na si Abelardo Gutierrez, 48, ng Barangay East Fairview.

Ayon sa mga awtoridad, minamaneho ni Gutierrez ang kanyang Toyota Vios sa panulukan ng Malamig Street at Kalayaan Avenue sa Bgy. Central nang mabangga siya ng motorsiklo ng hindi nakilalang lalaki, na kaagad tumakas.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sinasabing personal na nasaksihan ang insidente, kaagad na rumesponde si Mosquera at nagpakilalang pulis bago inalok na hahabulin ang nakamotorsiklo.

Umano’y lasing at aburido sa banggaan, itinulak umano ni Gutierrez ang pulis, na nabuwal sa kanyang motorsiklo bago napalupasay sa lupa.

Hindi pa umano nakuntento, dinaluhong pa ng suspek si Mosquera at paulit-ulit na sinuntok, hanggang sa awatin sila ng ibang motorista.

Kaagad namang inaresto ni Mosquera si Gutierrez, at niradyuhan ang mga operatiba ng QCPD-Staqtion 10 (Kamuning) para ikulong ang suspek, na kakasuhan ng paglabag sa Article 148 ng Revised Penal Code o Assault Upon An Agent Of A Person in Authority.