Ni REGGEE BONOAN

SA MMFF Parade of Stars na ginanap sa Muntinlupa City nitong nakaraang Sabado ay kanya-kanyang pabonggahan ng float ng Magic 8 o walong official entries.

Stars shine during the annual Metro Manila Film Fest parade at Muntinlupa on Saturday. Photo by Jansen Romero
Stars shine during the annual Metro Manila Film Fest parade at Muntinlupa on Saturday. Photo by Jansen Romero

Ang All of You ay disenyong coffee shop ng Taiwan kung saan unang nagkita ang character nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Simple lang ang float ng Ang Larawan nina Paulo Avelino, Joanna Ampil at Rachel Alenjandro, isang lumang bahay na may mga anghel at mga bulaklak.

Panay naman ang palakpakan ng mga tao sa bawat dinadaanan ng Ang Panday float sa pangunguna ni Coco Martin dahil sa napakagandang design na pawang spring flowers ang nakapalibot at may hobbit house na kasama sa mga eksena sa pelikula at may waterfalls.

Hindi rin nagpahuli ang nakakatakot na float ng Haunted Forest na may malaking puno na nakalawit ang mga baging at ugat. Hiyawan din ang lahat kina Jane Oneiza, Jon Lucas, Maris Racal at Jameson Blake.

Very cool naman kung ilalarawan ang float ng Siargao na kulay dagat, asul at may disensyong mga alon at nakasakay sina Jericho Rosales, Erich Gonzales, Jasmine Curtis Smith, Direk Paul Soriano at staff and crew ng Ten17 Productions.

Pambata naman ang float ng Meant To Beh na color wheel at kulay candy ang mga nakapalibot na disenyo.

Buwaya naman ang disenyo ng float ng Deadma Walking nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman at puro kurtina.

At siyempre, hiyawan din nang makita naman sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, Mariel de Leon, Kylie Versoza at Daniel Padilla kasama si Direk Joyce Bernal sa float ng Gandarrapiddo The Revenger Squad na ang disenyo ay ang costume ng TV host.

Kahapon nagsimula ang masayang bakbakan sa takilya ng walong pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Sa sipag mag-promote ni Coco para sa Ang Panday at ni Vice para sa Gandarrapiddo The Revenger Squad, tulad ng karamihan ay naniniwala kaming gitgitan sila sa pagiging number one at kung sakaling may lumamang ay sigurado kaming konti lang dahil parehong pambata ang dalawang pelikula na rated G o General Patronage.

Actually, curious ang lahat ng taga-media kung sino ang mangunguna sa takilya, di ba, Bossing DMB?

Tiyak na panonoorin ng magkakarelasyon ang All of You at Siargao dahil love story ito at siyempre sa mahihilig naman sa musical at supporters at true friends ng mga artistang kasama sa Larawan ay hindi rin magpapabaya.

At siyempre kapag barkada ang kasama ay mas type nila ang katatakutan kaya pasok ang Haunted Forest at maraming curious sa Deadma Walking dahil pawang positibo ang nabasang reviews ng mga nakapanood na sa advance screening nito.

Advance na ang deadline namin kaya hindi pa namin maibabalita kung ano ang number one ngayon sa MMFF 2017. Bukas, promise!

[gallery ids="280058,280057,280056,280063,280066"]