Joseph Morong
Joseph Morong
SA Lunes, Enero 1, 2018 na magsisimula ang GMA One Online  Exclusives na magtatampok sa isa sa brightest news reporters ng GMA News & Public Affairs na si Joseph Morong.  Fact or Fake With Joseph Morong ang title ng show niya. Makakasama niya sa kani-kaniyang show rin sina Atom Araullo at Gabbi Garcia. 

Inamin ni Joseph na may pressure na sa kanya ang show sa pagsisimula pa lamang nila ng taping ng kanyang show.

Napapanahon ang topic ng kanyang programs kaya dapat silang maging maingat ng kanyang staff and crew lalo na kung controversial ang topic na idi-discuss niya. Kaya rin sa editing ay kasama niya ang big bosses ng news department.  

“GMA is going to be joining the fray on the subject of fake news,” sabi ni Joseph.  “Alam nyo naman ang criticism  sa mainstream, even the context, kaya dapat sure kami kung ano ang ilalabas namin.”

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

 Handa ba siyang ma-bash sakaling hindi tama ang presentation niya ng topic?

 “Hindi na bago sa akin ‘yon, naba-bash na rin ako kapag nagri-report ako ng news. Basta gagawin ko ang best ko dahil parehong mahuhusay ang dalawa kong kasama, although iba-iba naman ang topic na idi-discuss namin every Monday, simula sa YouTube channel ng GMA Network.

Nasisiguro namin na maraming maisi-share si Joseph sa viewers dahil siya ang isa sa tumututok sa lahat ng lakad ni President Rodrigo Duterte here and abroad.