Ni Bella Gamotea

Nag-inspeksiyon ang grupo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, kahapon ng umaga.

Sa inilabas na abiso ni Chief Insp. Kimberly Molitas, tagapagsalita ng NCRPO, dakong 10:00 ng umaga nang sinimulang inspeksiyunin ni Albayalde at ng NCRPO team ang Baclaran Church sa Redemptorist sa Parañaque City.

Kabilang din sa binisita ni Albayalde ang Divisoria na dinadagsa ng libu-libong mamimili ngayong Christmas rush, at ininspeksiyon din niya ang Quiapo/Plaza Miranda.

National

VP Sara, binalingan AFP sa pagkaaresto ni FPRRD: 'Bakit nila hinayaan?'

Pinuntahan din ng grupo mula sa NCRPO ang Cubao bus station sa Quezon City, at nag-ikot din sa iba’t ibang lugar sa Makati City bago dumiretso sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City hanggang 3:00 ng hapon.

Ayon kay Albayalde, nananatiling naka-full alert ang lahat ng pulisya sa Metro Manila at walang day-off, leave o holiday break ang mga ito, upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.