Ni Czarina Nicole O. Ong
Best Christmas gift ang natanggap ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla nang payagan siya ng Sandiganbayan First Division na makapiling ang kanyang pamilya sa Pasko.
Sa isang resolusyon na may petsang Disyembre 20, nagdesisyon ang korte na payagan si Revilla na magdiwang ng Pasko sa kanyang bahay sa Bacoor, Cavite mula 11:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi sa Disyembre 24.
Pumayag ang korte sa kahilingan ni Revilla sa ilalim ng ilang probisyon.
Una, kailangan siyang ibiyahe mula sa kanyang kulungan nang hindi mas maaga ng isang oras bago ang nakatakda, at kailangan niyang bumalik sa kanyang kulungan sa Camp Crame nang hindi lalampas ng 9:00 ng gabi.
Binawalan din si Revilla na gumamit ng kahit anong uri ng komunikasyon at magpaunlak ng media interviews.