Magpapatupad ng mas maikling operating hours ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ngayong holiday season, kabilang ang bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso ng MRT-3, sa Disyembre 24, Christmas Eve, ay bibiyahe lamang ang kanilang mga tren mula 4:45 ng umaga hanggang 8:26 ng gabi.

Sa Disyembre 25, ang kanilang operating hours ay mula 6:30 ng umaga hanggang 9:50 ng gabi.

Mula 4:45 ng umaga hanggang 9:50 ng gabi ang biyahe sa Disyembre 30, habang sa Disyembre 31, New Year’s Eve, ay mula 4:45 ng umaga hanggang 8:26 ng gabi.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Sa Enero 1, 2018, bibiyahe ang mga tren mula 6:30 ng umaga hanggang 9:50 ng gabi.

Inaasahan namang babalik sa normal ang operasyon ng MRT-3 sa Enero 2. - Mary Ann Santiago