Nilisan na ng mga kawani at opisyal ng Caloocan City Hall ang 65 taon nilang gusali na itinuturing na pinakapangit na city hall sa buong Metro Manila, upang ukopahan ang bago at modernong tanggapan.

Dakong 9:00 ng umaga kamakalawa nang maglipat ng opisina ang mga empleyado at opisyal ng lungsod mula sa lumang gusali sa A. Mabini Street, patungo sa bagong city hall building sa 8th Avenue, East Grace Park, Caloocan City.

Pinangunahan ni Mayor Oscar Malapitan ang ribbon cutting ng 3,000 square meters na gusali at pinondohan ng P800 milyon ng Sangguniang Panglungsod. - Orly L. Barcala

Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya