Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon ng dalawang anak ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak ng pork barrel fund scam, ng kapatid nito na bawasan ang kanilang piyansa na P22.3 milyon at gawing P5, 577,500 kada isa, kaugnay sa umano’y pagkakasangkot sa P900 milyong Malampaya fund scam.

Sinabi ng 3rd Division ng anti-graft court na aabot sa 75 porsiyentong diskuwento sa piyansa ang ibinigay ng korte kina Jo Christine at James Christopher Napoles, at Ronald Francisco Lim, para pansamantalang makalaya.

Nahaharap ang tatlo sa 97 counts o kabuuang 194 na kasong kriminal sa bawat akusado kaugnay sa

paglabag sa anti-graft and corrupt practices act (Republic Act 3019) at malversation through falsification of public documents.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Sa kanilang motion to reduce bail, ipinaliwanag ng tatlo na wala silang kakayahan na magbayad ng P22M at ang kaya lamang nila ay ang nominal bail na P690,000 kada isa. - Rommel P. Tabbad