Ni Ali G. Macabalang

KIDAPAWAN CITY – Aabot sa 11 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay habang limang sundalo ang nasugatan sa panibagong bakbakan sa Carmen, North Cotabato na nagsimula noong Martes ng madaling araw.

Sinabi ni Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, na unang naglunsad ang militar ng airstrikes sa mga target spot sa Barangay Tunganon sa Carmen makaraang makumpirma ang presensiya ng grupo ng BIFF commander na si Esmael Abdulmalik, alyas “Abu Turaife”, sa lugar bandang 2:00 ng umaga.

Ayon kay Encinas, limang terorista ang kaagad na nasawi sa airstrikes, bagamat kinumpirma ng source mula sa military intellegence community na umabot na sa 11 ang nasawi sa nasabing pag-atake hanggang kahapon ng umaga.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder