Ni NITZ MIRALLES

HEART AT ALEXANDER
HEART AT ALEXANDER
NALUNGKOT ang mga sumusubaybay sa My Korean Jagiya sa social media post ni Heart Evangelista tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng rom-com series na nagpatawa, nagpakilig, nagpagalit at nagpaiyak sa kanila.

“Spent the last 8 months working on this project... So grateful for the opportunity! I will surely miss this shiw and everyone we worked with. Love you, my Jagiyas! Please keep watching! Lots of magical twists and surprises for the last few weeks!” saad ni Heart.

Nabanggit din niya sa isang TV interview na mami-miss niya si Alexander Lee, ang Korean singer-actor na leading man niya sa My Korean Jagiya na ang sabi naman, he can always visit Heart and the rest of the cast.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Saka, dito na raw lagi magpa-Pasko si Alexander dahil nagustuhan kung paano ipagdiwang ng mga Pinoy ang Pasko.

Nakakatuwa si Alexander na para mas maramdaman ang Paskong Pinoy, balak nitong mag-Simbang Gabi at kumain ng puto bumbong. Ang payo sa kanya ng fans, tumikim din siya ng bibingka at sabayan ng inom ng tsaa.

Saka, kahit magtapos na ang My Korean Jagiya, mapapanood pa rin ng Pinoy fans si Alexander dahil may kontrata siya sa GMA Artist Center. Mas magandang abangan ang susunod niyang show.

Sa ngayon, i-enjoy na muna ng viewers ng My Korean Jagiya ang malapit na pagtatapos nito. Ang The One That Got Away ang papalit sa slot ng rom-com series na sabi’y magpa-pilot sa January 15, 2018.

Ibig sabihin, sa January 12 na ang final episode ng My Korean Jagiya.