SUNOG SA MUNTI. Pinapatay ng bumbero ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Purok 1 sa Alabang, Muntinlupa City kahapon. (JANSEN ROMERO)
SUNOG SA MUNTI. Pinapatay ng bumbero ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Purok 1 sa Alabang, Muntinlupa City kahapon. (JANSEN ROMERO)

Nasa 20 pamilya ang nasunugan sa isang residential area sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni FO2 Jomar Camacho, ng Muntinlupa City Fire Department, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Mendiola Street, Purok 1, Barangay Alabang ng nasabing lungsod, bandang 8:04 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang 10 bahay na pawang gawa sa light materyales.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula bandang 9:24 ng umaga.

Walang iniulat na nasaktan o namatay sa sunog habang patuloy na inaalam ang sanhi at ang kabuuang halaga ng naabong ari-arian. - Bella Gamotea