IPINAHAYAG ng PBA Board of Governors, sa pangunguna ni Chairman Ricky Vargas ang pagbibitiw bilang commissioner ni Chito Narvasa. (MB photo | RIO DELUVIO)
IPINAHAYAG ng PBA Board of Governors, sa pangunguna ni Chairman Ricky Vargas ang pagbibitiw bilang commissioner ni Chito Narvasa. (MB photo | RIO DELUVIO)

PAGKAHABA-HABA man ng prusisyon, tsugi rin pala ang kalalabasan ni Chito Narvasa bilang commissioner ng PBA.

Sa media conference bago ang pormal na pagbubukas ng ika-43 season ng natatanging pro league sa bansa, nagsumite ng kanyang ‘resignation’ si Narvasa na isinapubliko ng bagong PBA chairman na si Ricky Vargas.

Matapos mag-Grand slam: Creamline balik national team, Alas Pilipinas ekis na?

“We reached out to commissioner Narvasa and we made amends for the things that needed to be clarified and work out on his personal hurts on the process, “ paliwanag ni Vargas. “As a result of that, this morning, he submitted his resignation which was effective today.”

Ngunit hiniling ng PBA Board kay Narvasa na manatili muna hanggang matapos ang taong 2017 upang makatulong sa transition period habang itinalaga nila si communications and external affairs director Willie Marcial bilang officer-in-charge.

Sa kanyang pagbibitiw, nagwakas ang tatlong taon niyang pamumuno sa liga na nagsimula sa kanyang appointment noong Mayo 2014 gayundin ang dating pagkakawatak-watak sa liga.

“We thank him also for all his contributions to the league, “ ayon pa kay Vargas. - Marivic Awitan