Ni REGGEE BONOAN

ENZO Pineda
ENZO Pineda
AKALAIN mo, marami palang supporters si Enzo Pineda! Napakaraming nag-react nang patayin na ang karakter niya ng tatay niyang si Jaime (Raymond Bagatsing) sa seryeng Pusong Ligaw.

Ang ganda ng karakter ni Enzo bilang si Rafa na mabait at masunuring anak pero may kinikimkim palang galit sa tatay niyang si Jaime (Raymond) dahil nga hindi siya nakaramdam ng pagmamahal.

Kaya naman nu’ng nagkaharap ang mag-ama sa Friday episode ng Pusong Ligaw ay inilabas lahat ng binata ang galit sa ama at nu’ng humingi na ng tawad sa kanya at niyakap siya ay sobrang saya niya, pero hindi inakala ni Rafa (Enzo) na iyon na pala ang huling yakap niya sa ama.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil nabuking ni Rafa (Enzo) na magkasabwat ang ama at si Marga (Bianca King) sa paghihiganti kina Tessa (Beauty Gonzales) at Caloy (Joem Bascon).

Reaksiyon ng supporters at netizens kay Enzo, “After watching bigla ako napa google at lahat lahat stalker mode mga besh. Hands down to @Enzo_Pineda sobrang galing ng scene nila ni mr. raymond bagatsing. Hooing to see more of him on kapamilya. #PLNoMercy!” – Mary Frances (@gmaryfrances).

“Enzo is a very good actor # galing galing sad when they killed him dapat he should stay till the end!” – Francis (@Francis14647255).

“OMG NGAYON KO LANG NAALALA BAKIT NYO PINATAY SI ENZO PINEDA SA PUSONG LI-GAW MY GOD!” – Sadd Chavez (@themaruism).

Kaya trending topic sa Twitter ang hashtag ng nasabing episode na #PLNoMercy.

Samantala, pinasalamatan ni Enzo ang lahat ng mga nanonood ng Pusong Ligaw at sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon ng Star Creatives sa kanyang IG account.

Post ng aktor, “every journey has a beginning and an end. Today I’m officially signing off as Rafa. Thank you po sa lahat ng sumubaybay at nag mahal sa character ko.

“Thank you @starcreatives @pusongligawtv @malousantos03 and the whole team for believing in me. I am forever grateful sa opportunity na binigay niyo sa akin. To my co-actors, mamimiss ko kayong lahat and it’s a pleasure working with everybody. Cheers!”

Iba talaga ang exposure at improvement sa acting ng isang artista kapag nasa ABS-CBN dahil tumatatak sa viewers kaya naman puring-puri si Enzo dahil may alam sa pag-arte.

Ano kaya ang masasabi ng haters ni Enzo noong lumipat siya ng ABS-CBN mula sa GMA 7 na hindi siya mapapansin dahil maraming magagaling na artista kaysa sa kanya?

Anyway, tiyak na maraming revelations ang magaganap sa muling paghaharap nina Tessa at Jaime kasama rin sina Caloy at Marga.