Nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamalaking bilang ng land-rights killings o napapatay dahil sa pakikipaglaban sa karapatan sa lupa.

Ayon sa advocacy group na PAN Asia Pacific (PANAP), mahigit dalawang katao ang napapatay kada linggo dahil sa pagdepensa sa kanilang mga karapatan sa lupa laban sa pamahalaan, pribadong kumpanya, at mga kriminal. Kasama na rito ang mga nananamantala sa mga lupain para makakuha ng troso, mineral, at palm oil.

Ayon sa PANAP, simula Enero 1 hanggang Nobyembre 30, may 116 na katao sa buong mundo ang napapatay. Kabilang sa mga nabibiktima ang mga magsasaka, katutubo, at aktibista. One-tenth sa naturang bilang ay kababaihan.

Sa Pilipinas, 61 ang biktima ng land-rights killings, sinundan ng Brazil na may 22 biktima.

Tsika at Intriga

Payo ni Kabayang Noli sa aspiring journalists: ''Hindi dapat huli sa mga balita!'

Sa datos ng PANAP, mas kakaunti ang mga biktima ngayong taon kumpara sa 171 na napatay noong 2016. - Beth Camia