Ni ADOR SALUTA
MAY pasabog na naman si Manay Lolit Solis tungkol sa controversial couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Manay Lolit na nakitang bumisita ang dalawa sa St. Luke’s Hospital for Ellen’s pre-natal check-up. Ilang linggo nang naiuulat na buntis ang aktres at si John Lloyd ang itinuturong ama.
“Pre-natal check up na at very loving partner si John Lloyd ha sinasamahan partner niya at hands on sa alaga. Lucky Ellen pinakita lang talaga ni John Lloyd sa lahat na hindi biruan ang relasyon nila, hopefully forever kasi di ba ang sweet sweet ng sinasamahan ka sa check up ng lover mo ? Iyon kasi mga moments medyo insecure at uncertain ang isang babae kaya dapat suportado siya ng partner niya,” post ni Lolit.
Dagdag pa niya, “From the way it look tunay at wagas ang feeling ni John Lloyd kay Ellen . The best christmas joy for both, a baby to seal their love, inggit ka, Salve (Asis, entertainment editor niya)?”