Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Sugatan ang dalawang sundalo makaraang pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang grupo ng mga sundalong nagsasagawa ng Humanitarian Assistance Disaster Response (HADR) sa Northern Samar habang binabayo ng bagyong 'Urduja' ang lalawigan, nitong Sabado ng hapon.

Sinabi ni Lt. Michelle Estares, Civil-military Operations Officer ng 20th Infantry Battalion, na nangyari ang insidente bandang 3:20 ng hapon.

Nabatid na nagsasagawa ng HADR ang 20th IB at kumikilos patungong Barangay Hinagonoyan sa bayan ng Catubig nang tambangan sila ng nasa 50 rebelde.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon kay Estares, tumagal ng dalawang oras ang bakbakan, at kaagad na naisugod sa Northern Samar Provincial Hospital ang mga sugatang sundalo habang tinugis naman ng kanilang mga kasamahan ang mga tumakas na rebelde.

Batay sa report, sa tiyan nabaril si Corporal Yzazel M. Laure, habang sa puwet naman ang tama ni Pfc Ronald L. Gomez.

“It is unfortunate and sad that our soldiers were engaged by terrorist NPAs while serving the people. Our troops were there to conduct HADR as part of our responsibility to conduct disaster rescue operation and help people who needs assistance during disaster,” ani Estares.