Ni NORA CALDERON

GUSTONG maranasan ni Kris Bernal ang White Christmas, pagkatapos ng mahihirap na mga eksena niya sa taping ng Impostora.

KRIS BERNAL copy

Two months ago ay nagpunta siya sa South Korea, pero patapos pa lang ang summer kaya wala pang snow. So, bigo siyang makapaglaro sa snow.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa kabilang banda, natutuwa ang followers ni Kris dahil bilang Nimfa, para raw siyang si Superwoman na hindi mamatay-matay kahit ilang beses nang pinagtangkaang patayin ng kaaway niya, tulad ni Rosette, the other impostora. Sa halip ay ang mga gustong pumatay sa kanya ang unang namamatay.

Bakit nga hindi, wala nang istorya kapag namatay ang isa sa dalawang karakter na ginagampanan niya, dahil mawawalan na ng conflict.

Kung anu-anong mahihirap na eksena ang sinasabakan ni Kris sa Impostora, kaya after ng last taping day nila for 2017 sa December 18, aalis na siya papuntang Iceland, para raw ma-feel niya talaga ang Christmas na bukod sa snow ay windy pa.

Ngiti lang ang isinagot ni Kris nang usisain kung sino ang makakasama niya papunta sa Iceland.

Babalik din siya agad para mag-resume Impostora na hindi pa malaman kung kailan magwawakas. Lumalaban kasi sila sa rating game.

Napapanood sila pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.