Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – Nagmistulang bangungot para sa mga empleyado ang masaya sana nilang Christmas party makaraang pagbabarilin at mapatay sa harap nila ang engineer at negosyanteng boss nila sa Ramos Street West sa Barangay Poblacion, Lingayen City, Pangasinan, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Lingayen City Police ang biktimang si Benjamin Saringan, 63, ng Villa Maniboc, Bgy. Maniboc, Lingayen.

Ayon sa mga imbestigador, dakong 7:45 ng gabi at nakikisaya si Saringan sa kanyang mga manggagawa sa kanilang Christmas party na ginawa sa harap ng kanyang tindahan nang lapitan siya ng suspek.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ilang beses umanong pinagbabaril ng suspek ang biktima, na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad na isinugod ng kanyang mga empleyado si Saringan sa Jesus Nazarene General Hospital, pero hindi na siya umabot nang buhay.