MAGBIBIDA si Patrick Sugui sa kauna-unahang pagkakataon sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi para bigyang buhay ang kuwento sa likod ng matagumpay at sikat na fashion designer na si Rey Michael Leyva.

MMK STITCHES AND DREAMS 3 copy

Bago dinamitan ang mga kilalang artista na sina Anne Curtis, Kim Chiu, Kris Aquino, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, lumaking bakla si Rey (Patrick) katulad ng kuya niyang si Brian (Angelo Ilagan). Ngunit nang makita ang pagtutol ng ama sa paglantad ng kapatid, pinili na lamang ni Rey na ikubli ang kanyang tunay na katauhan.

Lumaki siyang labis ang paghanga sa ipinakikitang tapang at pagpupursige ni Brian sa sarili nitong fashion line upang mapatunayan na hindi salot ang mga kagaya nila – isang bagay na kailanman ay hindi niya kayang gawin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi niya inasahan na darating pala ang panahon na unti-unti nang matatanggap ng kanyang ama ang sexual orientation ni Brian. Gayunpaman, ipinagpatuloy ni Rey ang pagpapanggap at naging flight attendant.

Hanggang maganap ang isang malagim na trahedya sa buhay ng pamilya nila, na-hold-up at nabaril si Brian at ito ang babago sa buhay ni Rey.

Makakasama nina Patrick at Angelo sa upcoming episode sina Yñigo Delen, Zaijian Jaranilla, Dominic Ochoa, Aleck Bovic, Mico Aytona, Marc Acueza, Axel Torres, Sarah Carlos, at Mikee Agustin mula sa panulat nina Akeem del Rosario at Arah Jell Badayos at sa direksiyon ni Raz dela Torre.