Sharon calendar copy

Ni Nitz Miralles

ANG lakas maka-family goals ng Christmas card ng Pangilinan family at tama si Ryan Agoncillo sa comment niyang, “Sarap naman neto sa mata.” Majority rin ng comments, positive at sinasabing “beautiful family” ang nasa litrato.

Nasundan ang pagsama-sama ng pamilya nina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta nang mag-dinner sila sa new house ni KC Concepcion. Naka-post sa social media account nina Sharon at KC ang dinner ng pamilya nila at kita ang tuwa at kasiyahan ng lahat.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

  

Post ni KC: “Spanish dinner at my place? Glad everyone was G!!! Including queen bee mom who came over for the first time ever. HAPPY SUNDAY! #KCLovesFamily.”

Dahil sa family portrait na ito, may entertainment reporters na nagkokomento tungkol sa paulit-ulit na tsikang hiwalay na sina Sharon at Sen. Kiko. Oo nga naman, ganyan ba ang pagsasamang makikita sa pamilya kung hindi na nagsasama ang haligi at ilaw ng tahanan?  

  

Samantala, nag-update si Sharon ng box office gross ng Unexpectedly Yours movie nila ni Robin Padilla na kumita na ng P157M.

  

“From the bottom of my overwhelmed, grateful and humbled heart, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!!! God bless us all. We love you!!!”